Lois. Sixteen.
Incoming Maroon. BSBAA. MaScian. Outspoken.
Vain. Easily impressed.
In love. At oo,
tagalog itong blog ko. Let's be friends, 'kay?Ay ang taray. Hahaha. Jk.
But I can’t find the chance to be alone with you. So I feel really lonely.
Iba talaga ang galawan nitong si Usui. Okaaaaay. Fangirling again.
Ang daming bagay na tumutumal pag bakasyon ‘no? Activity sa Facebook. Samantalang kapag may pasok, gabi gabi 100+ lagi ang online. Daloy ng pera. May hindi na binibigyan ng allowance pag bakasyon, ako namang may baon parin kahit nasa bahay lang, walang mapagkagastusan. Pati paglipas ng araw, parang ang bagal bagal bagal bagal.
Lovelife daw, tumutumal. Wala, sabi lang nila. Hahaha. Pero a, sa palagay ko totoo yun, na bihira yung mga mag-sweethearts na all lovey-dovey and shit parin kahit bakasyon. Syempre di na nagkikita, blah blah blah. Madaming nagloloko. Madaming nawawalan na ng gana. But definitely, hindi yung distance itself ang nagiging problema. May nabasa ako dito sa tumblr noon e. Distance doesn’t ruin a relationship. Doubts do. Wow, heavy.
Kaya gusto ko talagang matuto ng kung ano mang Space-Time Ninjutsu, para matapos na tong bakasyon kagad. Hindi ba masaya yun. Yung tipong kontrolado mo yung oras. Imagine nalang ang ligaya ng buhay. Tuwing klase at sobrang boring noong lesson, pwedeng i-fast forward, pag nag-eenjoy ka, pabagalin mo. Na kapag yakap mo yung taong mahal mo, kayang kaya mong patigilin yung oras. You’ll never have to let go. Okay. Inaatake nanaman ako ng pagka-cheesy. Hahaha.
Kanina pala nagsimba ako, maishare ko lang. Wala lang, andun parin yung pagpapasalamat ko sa mga bagay bagay. Narealize ko lang na sobrang blessed pala ako, kahit pa hindi ako pinagpalang maging ninja ng Konoha. Syempre thankful ako sa kung anong meron ako ngayon. Lord, alam kong binabasa mo rin tong tumblr ko, wala lang, thank you uli. Hahahahaha. Pero seriously speaking, ewan ko, I think nagsisimula lang namang maging malungkot ang buhay ng tao kapag nakakalimutan niyang blessed siya. Nakanang, gumaganun.
Ang gulo ko no, palipat lipat ng topic.
May 26, 2012. The last day. Hindi ko narin siguro ikukwento dito yung something na naging dahilan kung bakit sinimulan ko itong 7 day countdown thing ko. Whatever’s been bothering me the week before, na as in iniiyakan ko na parang timang lang, it’s all gone now. Lumipas din kumbaga. Mabuti talaga’t lumipas.
I guess what I’m really trying to say is that pakiramdam ko, wala lang. Right now, wala na akong gustong baguhin. Though gusto ko talagang maging ninja. Sure, there’ll be hard times, pero I think hindi naman maiiwasan yun. But why would I throw away something so precious dahil lang sa mga hard times na yun? Para kang nagtapon ng cellphone kasi may sobrang liit na gasgas lang.
Sabi nila, malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay pag nawala yun sayo. So ano, hihintayin pa bang mawala bago pahalagahan? Shunga ka?
Ah basta. Ang hirap mag-explain naman kasi. Hahahaha. Pakinggan nalang natin to. Namiss ko Camp Rock e.
It’s been so long since huli pala akong nagblog about my day. Eh paano, lagi lang naman akong nasa bahay. Kanina lang ulit ako lumabas.
Hindi ako makatulog kagabi, magdamag lang akong nanonood ng Naruto. Around 4 na ata ako nakatulog. So imagine nalang kung anong sorcery ang naganap at nagising ako ng 8 kanina. Let’s go apat na oras ng tulog. Sakit ng ulo ko kanina magdamag, grabe.
Noong umalis ako ng bahay, tinanong ako ng kapatid ko kung saan nanaman ba ako pupunta. Nakikiusi lang ba. Sabi ko, may mission ako. Feel na feel ko namang ninja ako. Pero seriously speaking, pwede mo narin namang tawaging ‘mission’ yung ipinunta ko ng school kanina.
I was supposed to meet BbJosh. Nagpapasama kasi akong bumili ng something. Later on, noong nasa jeep na ko, nagtext siya, kagigising lang daw niya.

Ouch Joshua. Ouch. Ouch. Joke. Pero actually, medyo naging maganda naman yung kinahinatnan noong late niyang pagbangon. Not that I would thank him for it. Kunyare nalang galit ako.
So ano.. ayun.. Si DJ ang nakasama kong bumili. Anoooo. Wala lang. Kasi naman, ikaw ba naman, alam mo yung feeling na crush na crush mo yung kasama mo?
Ahihihi. Wala laaaaang. Bat ba, hanggang ngayon e crush na crush ko parin yun e. Sorry naman.
Okay, okay. Tama na. Hahaha. Pagpasok ng Rob, ang unang binili ko e box. Box na hindi ko naman alam kung anong ilalagay ko pa. Parang timang lang. Nauna pa yung kahon.
Nakakatense. Promise. Papunta palang ng Rob, yung paghahanap ng ilalagay ko doon sa box, hanggang pabalik, ewan ko pero kinakabahan talaga ako kanina. Ang weird lang. Kasi andoon yung baka hindi ko maabutan yung pagbibigyan ko nitong something na ‘to. Andoon yung baka wala akong masabi, or may masabi nga ako, mali na. Aaaand, of course, there is the utmost fear of rejection.
Anyway, after halos isang oras ata ng paghahanda nitong ‘peace offering’ ko, bumalik na kaming school. Hinila ni DJ si Tin mula sa kung saan mang lupalop iyon. Ang nakakagulat talaga e noong nagsimula na kaming mag-usap, parang.. wala lang. I mean, walang tension or anything. Somehow, everything fell into place. Nakanang. Pinapanindigan na pag-e-english.
Long story short, okay na kami ni Tin ulit. Parang nabunutan ako ng kuko. Hahaha, biro. It feels.. nice. Eh putek naman, ang hirap idescribe. Basta right now, I’m happy na okay na, yung as in okay na talaga. ![]()
May 25, 2012. Ikaanim na araw. Grabe, nakakapagod itong araw na to.
.
.
Sa wakas e matatapos na tong countdown kong parang ewan. Pero parang ayoko nang tapusin, nakita ko na yung hinahanap ko e. Baka magbago pa isip ko, wag naman sana. Hahahahaha.
Isang araw nalang.
I don’t really remember kung kailan, pero sa pagkakaalala ko, every since I was little, mahilig na ko sa mga journals at diaries. Kahit pa ngayong uso na ang blogs and such, mas feel ko parin yung sinusulat ko yung thoughts ko somewhere na pwede kong sabihin ang kahit ano dahil wala namang ibang makakabasa noon.
Kanina, nagliligpit ako ng kwarto. Nakita ko yung dalawang journals na napuno ko na. Mula third year ata hanggang bakasyon yung coverage. Grabe lang, na habang binabasa ko yung mga entries ko, napapangiti ako sa mga pinagsasasabi ko.
This was something I wrote a year and a month ago.
April 24, 2011
…May oras na ang bilis uminit ng ulo niya, pero minsan parang bata kung umasta. Ang labo no? Pero ewan ko, nababaliw na nga ata ako. Parang gustung gusto ko na tong abnormal na to. Putakte…
Hahahahahahahahaha. Feel ko lang ishare, kasi grabe reaction ko kanina noong nabasa ko yan. Okay, so hindi lang ako napangiti, ang dami kong tawa. Nakakaloka kasi yung internal struggles pang nalalaman e! Anyway, that was the first time na I wrote something like this about him. Na parang out of nowhere, BOOM. Ang galing mo pick up! Joke.
Nagtataka nga rin ako sa sarili ko. Na ako na ata ang pinakatamad na babae sa buong MaSci, pero nagagawa ko pang magdiary-diary na ganyan. Actually, madami akong pinagtataka.
Bakit ba ako nagTLE noon? Ano bang problema ko sa utak, e alam ko namang di rin ako magaling sa drafting?
Pano kaya ako nakagraduate ng high school? Hindi ako gumagawa ng assignments, hindi rin naman ako sobrang talino. At noong graduation, niyakap ako noong English teacher ko nitong fourth year. She said na hindi daw niya ko makakalimutan. Pano kaya nangyari yung magustuhan niya ko, e ang ingay ko?
Bakit noong nalaman kong hindi ako medalist, e hindi ako pumayag? At bakit nga ba nagpalakpakan noong inannounce ni Ma’am Carlos na silver medalist ako, it’s not like matindi yung award ko or anything.
Bakit nga ba gustung gusto ko lang sa MaSci maghigh school noon, for no reason. Wala lang, basta gusto ko lang.
Paano nga ba ako nakapasa sa UP Diliman at nakapasok sa first choice kong course na BAA?
May mga misteryo talaga ang mundo. Just like the fact na hindi nakuha ng bet kong si Jessica yung titulong “American Idol”.
Pero syempre, the greatest mystery for me is still yung kung paano ako nain-love sa akin tong nilalang na pinapangarap ko lang noon. Hala, e abnormal ako.
But still, kahit naman siguro may mga bagay na hindi tayo maexplain, it doesn’t mean na we can’t be thankful. Na ako, masayang masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko, though hindi ko alam exactly kung pano nga ba ako napunta sa lugar na ito. I’m just so thankful for everything.
.
May 24, 2012. Ikalimang araw.
.
.
Ang ganda nitong kantang to oh. Hahahaha.
Nagrelease na ng bagong chapter ng Naruto. Finally, ipinaliwanag na ni Itachi yung technique na tinatawag nilang Izanami.
Before, noong unang nabanggit yang techniquie na yan, nagresearch ako kagad. Ang sabi, while its counterpart, na tinatawag na Izanagi, ang nag-a-alter ng destiny, Izanami on the other hand, decides it.
I know, I know, medyo magulo siya, lalo na doon sa mga hindi naman nagbabasa ng Naruto. Simply put, yung dalawang techniques na yun, binibigyan ng kapangyarihan yung user na baguhin ang kapalaran.
Imagine having that kind of power, the power to change your destiny. Hindi ba’t convenient? Siguro sa iba, hindi. Kasi hindi naman lahat tayo naniniwala sa ‘destiny’ na yan.
Sabi, gawa-gawa lang daw ng tao yang ‘kapalaran’ na tinatawag na yan.
Destiny is something we’ve invented because we can’t stand the fact that everything that happens is accidental.
Medyo matagal-tagal narin since I first came across this quote. I never thought much about these things. Hindi ko iniisip yang kapalaran na yan. If ever may mangyayari mang maganda sa akin, ang iisipin ko, swerte. Ganoon lang ako kababaw mag-isip.
Pero somehow, nagbago yun. Ayokong magtunog cheesy, lovesick, or whatever, so here’s a quote from Glee.
Kurt, there is a moment where you say to yourself – ‘Oh, there you are. I’ve been looking for you forever.’
—Blaine to Kurt, Original Song
Whether I’m fooling myself or not, it doesn’t really matter anymore. Kalokohan man o hinde, bahala na. All I know is that falling in love with this person wasn’t really an accident. It was meant to be. Kung magsalita, parang Diyos e no? Hahaha. Pero yan talaga yung nararamdaman ko. Na kahit anong pihit ang gawin sa mundo, whether at a different place or at a different time, I know na without a doubt, I’d still fall for him. And I’d gladly fall over and over again.
Pa-english-english pa ang bruha. Haha. Mula sa Izanami, napunta sa ganito itong tinatype ko. I think kailangan ko talagang pag-aralan kung paano i-organize itong mga thoughts ko.
May 23, 2012. Ikaapat na araw.
.
Hahahahahaha. Hindi ko na alam.
.
Tatlong araw nalang.
I was going to write about this last night, e may gagamit daw ng computer. So yeah.
Napanood niyo ba yung trial ni CJ Corona? Noon nalang ulit ako nanood ng balita, e pano, pinag-uusapan sa facebook. Hindi ako masyadong naging attentive doon sa ibang details. Basta ang alam ko lang, nagwalk-out siya dahil sa masama daw ang pakiramdam niya. Insert HSM 3’s Walk Away.
Bakit ba, I think bagay na maging background music habang papalabas si Chief Justice. Kidding.
Just walk away, oh and don’t look back. ‘Cause if my heart breaks, it’s gonna hurt so bad. Ang lungkot naman ng lyrics nito.
While I was searching for this video, ang dami kong nadaanang iba pang HSM songs. Somehow, noong nakita kong HSM 2 was released way back 2007, pakiramdam ko ang tanda ko na.
Gotta Go My Own Way. Since ‘goodbyes’ naman na ang topic, here’s another one. Bakit ganoon no, si Gabriella nalang lagi ang nag-eemote. Forgive me, ngayon nalang ulit kasi ako nakapakinig ng HSM songs.
We might find our place in this world someday, but atleast for now, I gotta go my own way. Isa pa itong emotional ang lyrics. Sabagay, hindi naman kasi maiiwasan yung lungkot kapag goodbyes ang pinag-uusapan. Saying goodbye is never an easy thing. Pero sa palagay ko, yung mismong act ng pagpapaalam is just the beginning. Letting go, that’s what’s hard.
Naalala ko tuloy, when I watched this scene 5 years ago, I was thinking na, “Ano ba, eh di ba mahal mo siya, ba’t ang arte mo?” Pero turns out, na a lot of things change with age. Nagbabago na pananaw natin sa mga bagay bagay habang tumatanda tayo.
Later on, you’ll find out na may mga bagay na hindi ganoon kadali pala. Back when I was young, laging ang palabas sa gabi ay yung mga teleseryeng kung anu ano. And doon sa mga yun, iisang bagay lang ang common, nagkakatuluyan din sa huli yung mga bida. Whether sirena yung babae, mahirap lang yung lalaki, at any given plot, nagkakatuluyan din sa huli.
As I grew older, narealize kong hindi ganoon sa totoong buhay. Yes, people fall in love. Pero sometimes, love isn’t enough para magkaroon ng happy ending. Love can only take you so far.
O, why so serious? Hahaha. Hindi ko talaga alam kung anong nakain ko at nag-ingles sa post na ito.
Lumipas ang ikatlong araw. May 22, 2012.
.
I think I’m getting closer to finding the answer.
Ito siya, minodify ko lang. :D
http://paulywesley.tumblr.com/post/13927994136/theme-004-includes-1-fixed-sidebar-with-sidebar
Usap-usapan at this moment yung concert ni Lady Gaga. “I’m not a creature of your government, Manila.”, sabi pa daw. Bilib din ako sa kanya ah. Nakakatuwa naman. Somehow, the fact na despite the warnings e kakantahin parin niya yung Judas, wala lang. Ang lakas ng loob niya. Wow lang. Maangas.
Ako kaya, kelan kaya magkakaroon ng lakas ng loob na parang ganyan? Yung tipong sasabihin mo yung gusto mong sabihin, makakapagbitaw ka ng mga salita at paninindigan mo. Wow, heavy. Hahaha. Pero pwera biro, parang naiinggit ako sa kanya.
Madalas dinadaan ko sa biro mga bagay bagay. Ngingiti ako ng pilit pag may something na bumabother sakin kapag nasa gala ng barkada. Pag sa text mo ako kausap, o sa chat, wala kang makikita, kundi “hahahaha” kahit pa seryoso na yung usapan, puro kalokohan pa kamo yung conversation. At siguro, yung pinaka kinaiinisan kong ugali ko e yung hindi ko kayang sabihin kung kailan ako okay o hindi. Mahilig ako sa “Ayos lang. Bayaan mo na.” pero later on, I’ll find myself thinking about it, na malungkot parin. Pag tatanungin ako kung anong problema, sasabihin kong “hinde, wala to”.
Kasi nga takot ako. Ewan ko. Di ko makuhang sabihin kung ano talaga yung nararamdaman ko. Na kapag galit ako, hindi ko kayang sabihing “Wag mo akong kausapin, galit ako” nang harapan, kasi ano.. Wala lang. Alam kong lilipas din yung whatever na dinaramdam ko. Kung galit man ako o nagtatampo, alam kong mawawala rin yun eventually. E pano kung yung taong kinatatampuhan ko ang mapuno?
Ang gulo gulo ko lang no? Hahahaha. Daming kaartehan sa katawan kasi e. Haha.
May 21, 2012. Ikalawang araw. Hindi ko parin mahanap yung hinahanap ko. Ang dami kong naaaninag, pero tingin ko hindi pa yun yung iniintay ko.
Limang araw pa.
Ilike ba naman yung post ko sa timeline noong ♥ ko. Takteng yan.
.
.
.
Pero syempre, kung kalandian lang naman ang pinag-uusapan, mas malandi parin yung nagpost in the first place. Mehehehehe. :”> HAHAHA. Nahihibang na ko.
O, anong kababalaghan nanaman to?! Anong kalokohan at kaartehan nanaman ba to, ha?! Hahahaha.
Sa ngayon, hindi ko muna isusulat o sasabihin yung mga tumatakbo sa isip ko, kung tungkol san nanaman to, dahil bukod sa mahirap, e ayoko. Hahaha. Pinaliguyligoy pa, ayaw lang naman pala. May mga bagay kasing hindi nasasagot ng simpleng jack-en-poy, toss coin, at yung madalas ginagawa ng mga babaeng pagsusurvey ng “Yes or No?”.
Dapat pinag-iisipan ang mga desisyon diba? At dapat hindi yung basta-basta. Madalas kasi, lumalala pa yung sitwasyon dahil sa pagiging impulsive ko e. Pitong araw. Sabi ko kagabi habang nakatunganga sa kisame namin, pitong araw, tsaka ako magdedecide kung ano na nga bang gagawin ko dito. Pitong araw ng pag-iisip, pitong araw ng paghihintay ng senyales. Pitong araw, sapat na siguro yun. Na sana sa loob ng pitong araw na yun, e marinig ko yung gusto kong marinig. Oha, wag kayo, mabigat to. Malamang ikamamatay ko pag nagkamali ako dito. Di man physically, baka emotionally. Ngayon ko lang naintindihan yung sinasabi ni Vangie na parang ayaw mo, pero gusto mo.
May 20, 2012, unang araw. Wala.
Anim na araw pa.
My love’s like a star. You can’t always see me, but you know that I’m always there.
Ang galing lang. Ang ganda pa noong kanta. Tamang tama, para doon sa mga mahihiwalay na sa mga minamahal nila this coming school year. Hahahaha. Jk.
Sa wakas e naalala ko rin kung paano gagawin yang butas na papel effect thing na yan. Haha. Hello Maureeeeeeen! :D